Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang isang ganap na batas ang Republic Act (RA) No. 12027 o ang pagtigil sa paggamit ng ‘Mother Tongue’ bilang ‘medium of instruction’ sa mga paaralan mula Kindergarten hanggang Grade 3.
Sa ilalim ng bagong batas, ibabalik sa Filipino at English ang midyum sa pagtuturo kung saan ang ‘regional languages’ ay magsisilbi na lang na pantulong.
“The medium of instruction shall revert to Filipino and until otherwise provided by law, English,” saad ng batas.
Gayunpaman, maaari pa ring magpatuloy ang mga monolingual class sa paggamit ng Mother Tongue basta’t sumusunod sa mga kondisyon:
– Opisyal na ortograpiyang binuo at inilathala ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF)
– Opisyal na dokumentadong bokabularyo na inilathala ng KWF
– Panitikan sa mga wika at kultura
– Libro ng gramatika
– Pagkakaroon ng mga guro sa paaralan na nagsasalita at sinanay na magturo ng kanilang Mother Tongue
“The Department of Education (DepEd) shall, in consultation with the KWF, develop a language mapping policy within one (1) year from the effectivity of this Act and implement a language mapping framework to properly identify and classify learners based on their Mother Tongue in order to systematically determine the existence of monolingual classes per school year,” saad ng batas. -VC