IBCTV13
www.ibctv13.com

Pamumuhunan sa Pilipinas, isang magandang oportunidad – PBBM

Ivy Padilla
244
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. attended the Addressing the Association of Southeast Asian Nations Business and Investment Summit (ABIS) 2024. (Photo by PCO)

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga lider mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na nakiisa sa ASEAN Business and Investment Summit (ABIS) 2024 sa Laos na mamuhunan sa Pilipinas.

Sa kanyang keynote message ay binigyang-diin ng Pangulo na isang ‘ideal hub’ ang Pilipinas para sa ‘smart and sustainable manufacturing.

Aniya patuloy ang agresibong pagtataguyod ng bansa na mapaunlad ang nasabing industriya pati na ang imprastraktura, agrikultura at digital connectivity.

“So, let me put on my salesman’s hat and invite you to explore the investment opportunities we offer. We are targeting industries like green metals, battery manufacturing, energy equipment, data centers, and agribusiness,” saad ni Pangulong Marcos Jr.

Ibinahagi ng punong ehekutibo na nagpatupad ang pamahalaan ng mga reporma upang suportahan ang nasabing layunin tulad ng Public-Private Partnership (PPP) Code, Internet Transactions Act, at Executive Order No. 18 series of 2023.

Lumipad patungong Lao People’s Democratic Republic (PDR) si Pangulong Marcos Jr. nitong Martes, Oktubre 8 upang makibahagi sa 44th and 45th ASEAN Summit and Related Summits kasama ang iba pang mga lider mula sa rehiyon. – AL