Pinatunayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangako na “Build Better More” sa Mindanao bago matapos ang 2024.
Naisakatuparan ang plano ng Pangulo sa pamamagitan ng pagbubukas ng Panguil Bay Bridge noong Setyembre 2024, ang itinuturing na pinakamahabang tulay sa Mindanao.
Ipinahayag din niya na hindi lamang basta natatapos sa isang imprastraktura ang proyekto, bagkus, isang tulay lamang tungo sa mas maunlad pa na Mindanao.
“The bridge is a gateway to a world where distance no longer limits our dreams, where aspirations can take flight, and where the ambitions of entrepreneurs fuel growth and prosperity,” mensahe ni Pangulong Marcos Jr.
Ang 3.16 kilometrong tulay ay nag-uugnay sa Tangub City sa Misamis Occidental at Tubod sa Lanao del Norte kung saan higit 100,000 biyahero at motorista ang makikinabang dahil sa mas mabilis at ligtas na biyahe na hatid nito.
Sa bagong bukas na tulay sa lugar, ang dalawang oras na biyahe noon ay pinaikli sa pitong (7) minuto na magbibigay ng mas malaking oportunidad para sa negosyo, turismo at mas madaling transportasyon ng mga produkto. – VC