IBCTV13
www.ibctv13.com

Pangulo ng South Korea, pinuri ang pamumuno ni PBBM

Roen Yuen
417
Views

[post_view_count]

South Korean President Yoon Suk delivered his speech during the joint press conference today, October 7. (Photo by PCO)

Pinuri ni South Korean President Yoon Suk Yeul ang pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Pilipinas na nagtutulak sa kaunlaran ng bansa.

“I saw firsthand the ongoing dynamic development of this great nation under the leadership of President Marcos Jr. I also witnessed the infinite potential of Korea-Philippines relations,” saad ni President Yoon sa joint press conference ngayong araw, Oktubre 7.

Mainit na tinanggap nina Pangulong Marcos Jr. at First Lady Louise Araneta-Marcos sina South Korean President Yoon at First Lady Kim Keon-hee sa kanilang arrival honors kasama ang delegation nito sa Malacañang.

Ayon kay SoKor President Yoon, isang malaking karangalan at pribilehiyo para sa kanya ang pagsasagawa ng state visit sa Pilipinas na core partner ng South Korea sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Binigyang-diin pa ni SoKor President Yoon na napapanahon ang kanyang pagbisita dahil ipinagdiriwang ng Pilipinas at South Korea ang ika-75 anibersaryo ng diplomatikong relasyon mula nang pormal itong maitatag noong Marso 1949.

Isa sa tagumpay ng bilateral meeting ng dalawang lider ang pagpapalalim ng relasyon ng dalawang bansa patungong Strategic Partnership. -VC

Related Articles