IBCTV13
www.ibctv13.com

Pangulong Marcos Jr., bibisita sa UAE sa Nobyembre 26

Ivy Padilla
81
Views

[post_view_count]

Photo of President Ferdinand R. Marcos Jr. (Photo by PCO)

Lilipad patungong United Arab Emirates (UAE) si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa darating na Martes, Nobyembre 26, para sa isang araw na working visit ayon sa anunsyo ng Presidential Communications Office (PCO).

Nakatakdang makipagpulong ang Pangulo kay UAE President His Highness Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan sa Abu Dhabi.

Inaasahang matatalakay ng dalawang lider ang higit na pagpapalakas sa kooperasyon at pagtutulungan ng Pilipinas-UAE pagdating sa mga parehong interes.

“While the President’s visit will be short, the goodwill and opportunities it will create will be substantial, resulting in stronger Philippine-UAE relations,” saad ng PCO.

Magpapaabot din ng pasasalamat si Pangulong Marcos Jr. sa mga opisyal ng nasabing bansa para sa kanilang patuloy na pagsuporta at pagtaas sa talento ng mga Pilipino.

Ngayon pa lang ay humihingi na ng pag-unawa ang Pangulo sa mga Pinoy sa UAE na hindi na mabibisita dahil kailangan agad nitong bumalik sa bansa para ipagpatuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga komunidad na sinalanta ng mga nagdaang bagyo.

“The President begs the understanding of our kababayans in the UAE, who have hoped for time with him, as he has decided to immediately fly back to Manila to resume his personal supervision and inspection of the relief and reconstruction activities in communities devastated by six successive typhoons,” saad sa pahayag.

Related Articles

National

Ivy Padilla

82
Views

National

118
Views