IBCTV13
www.ibctv13.com

Pangulong Marcos Jr. sa publiko: Naka-monitor ang pamahalaan sa sitwasyon ng Taal Volcano

Ivy Padilla
391
Views

[post_view_count]

Media interview of President Ferdinand R. Marcos Jr. after launching the LAB for ALL caravan in Pasig City today, October 3. (Screengrab from RTVM)

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakaantabay ang mga ahensya ng pamahalaan, partikular na ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), sa sitwasyon ng Bulkang Taal sa Batangas na nag-alburoto kahapon, Oktubre 2.

Sa isang media interview ngayong Huwebes, Oktubre 3, binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr. na may standard operating procedures o SOP na sinusunod sa oras ng sakuna gaya ng pagputok ng bulkan.

“What we have to do is to monitor the situation and continue to see where the areas kasi not every situation is the same. So how do we adjust, where the areas that need special attention, where the areas that are okay, ayun ang ginagawa namin ngayon,” saad ng Pangulo.

Sa ngayon, nakabantay pa rin ang PHIVOLCS sa estado ng naturang bulkan ayon sa Pangulo.

Handa rin ang ibang ahensya sakaling kailangan nang ilikas ang mga residente na nasa loob ng danger area sa lugar.

4:21 p.m. nitong Miyerkules nang maranasan ang isang ‘phreatomagmatic eruption’ sa Taal na nagtagal ng 11 minuto.

Sa 24 oras na pagmamanman ng PHIVOLCS, nasundan pa ang pagsabog ng isang ‘phreatic eruption’ na tumagal ng isang minuto at 40 segundo.

Umabot sa kabuuang 2,532 toneladang asupre ang inilabas ng Taal na may ‘upwelling’ ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake.

Gayunman, nananatili sa Alert Level 1 ang bulkang Taal. -VC

Related Articles

National

Office of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

92
Views

National

Divine Paguntalan

92
Views