Muling nakapagtala ng ‘minor phreatic eruption’ ang bulkang Taal bandang 12:39 p.m. ngayong Huwebes, Setyembre 26, na nakunan ng Taal Volcano Observatory (TVO) sa Barangay Buco, Talisay, Batangas.
Nagdulot ito ng pagbuga ng abo na may taas na 2.4 kilometro mula sa Taal Volcano Island.
Mabilis nitong sinundan ang phreatic eruption na naitala kahapon, Setyembre 25, bandang 1:59 ng madaling araw.
Kasalukuyan pa ring nakataas sa Alert Level 1 ang naturang bulkan. -VC