IBCTV13
www.ibctv13.com

Panibagong sama ng panahon, binabantayan sa labas ng PAR – PAGASA

Divine Paguntalan
1292
Views

[post_view_count]

Satellite image of low pressure area and Severe Tropical Storm Kristine, based on the 5:00 a.m. weather forecast of PAGASA on October 24, 2024. (Screengrab from PAGASA)

Binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) na huling namataan sa layong 2,385 hilagang-silangan ng Mindanao.

Batay sa 5:00 a.m. forecast ng PAGASA, mataas ang tyansa na maging Tropical Depression (TD) ang nasabing LPA sa loob ng 24 oras.

Bagaman malayo sa kalupaan at walang inaasahang direktang epekto sa bansa, patuloy pa ring itong mino-monitor dahil sa posibilidad na pumasok sa PAR sa susunod na linggo.

Samantala, nananatili sa Severe Tropical Storm category ang bagyong Kristine na huling namataan sa bisinidad ng Maconacon, Isabela.

Taglay nito ang lakas ng hangin malapit sa gitna na 95km/h at may pagbugso na aabot sa 160km/h habang kumikilos patungong hilagang-kanluran.

Inaasahang lalabas ng PAR ang bagyo sa Biyernes ng tanghali, Oktubre 25, at pagsapit ng Linggo ay babagal na ito ngunit pagdating ng Lunes o Martes ay maaaring pumihit muli nang bahagya ang direksyon nito at makaapekto sa western coast ng bansa.

Narito naman ang lugar sa bansa na nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1, 2, at 3:

Patuloy ang paalala ng PAGASA at ng iba pang ahensya ng pamahalaan sa publiko na manatiling alerto sa anumang pagbabago ng panahon at sundin ang direktiba ng mga awtoridad sa pag-evacuate kung kinakailangan. — IP

Related Articles