Nais ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pag-aralan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pagpapatupad ng pansamantalang suspensyon sa pagbabayad ng electricity bill sa mga lugar na higit na naapektuhan ng nagdaang Severe Tropical Storm Kristine.
Iminungkahi ng Pangulo na ipagpaliban muna ang line disconnection at payment collection mula Oktubre hanggang Disyembre 2024.
“To aid in recovery efforts, the President directed the ERC to study the immediate implementation of a moratorium on electricity line disconnection and payment collection for the period October to December 2024 in areas under State of Calamity due to STS Kristine, and staggered payments of electricity for the said months, as necessary,” nakasaad sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO).
Matatandaan nitong nakaraang linggo nanalasa ang bagyong Kristine kung saan maraming probinsya, lalo na ang Bicol Region, ang nalubog sa baha dulot ng malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan. – VC