IBCTV13
www.ibctv13.com

Panukala kontra ghost projects, isinusulong ni Sen. Escudero

Hecyl Brojan
110
Views

[post_view_count]

Senate President Chiz Escudero extends his warmest congratulations to the 24 foreign service officials of the Department of Foreign Affairs, led by former Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, who will now serve as the country’s Permanent Representative to the United Nations. (Photo from Chiz Escudero/Facebook)

Isinusulong ngayon ni Senador Chiz Escudero ang Senate Bill No. 1461 o Infrastructure Appropriations Integrity Act upang maiwasan ang pagpasok ng “ghost projects” sa pambansang pondo at mapigilan ang katiwalian sa mga proyekto ng gobyerno.

Sa ilalim ng panukala, kailangang dumaan muna sa masusing feasibility study at kumpletong dokumentasyon ang lahat ng proyekto bago maisama sa National Budget, kung saan kasama rito ang paggamit ng geotagging at geodetic coordinates upang matiyak ang aktwal na lokasyon at progreso ng bawat proyekto.

Ipinapanukala rin ni Escudero na ilantad ang technical at financial details ng mga proyekto, tulad ng presyo ng materyales, dami ng kakailanganin, at cost analysis, upang maging mas malinaw sa publiko kung makatuwiran ang paggastos ng pondo.

Layon din nitong ipagbawal ang budget splitting at tiyaking malinaw ang presyo at detalye ng bawat proyekto upang maging mas transparent sa publiko.

Hiniling naman ng senador kay Senate Finance Committee Chairperson Sherwin Gatchalian na isama ang mga transparency provision ng panukala bilang general provision sa 2026 National Budget.

Samantala, nagpapatuloy ang budget review ng Senado sa pamamagitan ng Technical Working Group upang linawin at alisin ang mga hindi kinakailangang alokasyon. (Ulat mula kay Jaybee Santiago) –VC

Related Articles