IBCTV13
www.ibctv13.com

Panukalang bigyan ng ‘charging powers’ ang ICI, isinusulong ng ilang mambabatas

Hecyl Brojan
84
Views

[post_view_count]

Navotas Rep. Toby Tiangco once again attended the Senate Blue Ribbon Committee hearing to assist in the investigation into alleged irregularities in flood control projects. (Photo from Toby Tiangco/Facebook)

Ipinapanukala ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang House Bill No. 5699 na naglalayong lumikha ng Independent Commission Against Infrastructure Corruption (ICAIC) na magbibigay ng kapangyarihan sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) na direktang magsampa ng kasong kriminal laban sa mga opisyal na sangkot sa maanomalyang flood control projects sa bansa.

Kasama na rito ang karapatan ng ICI na maghain ng contempt order at mag-subpoena ng mga testigo at ebidensya.

Ayon kay Tiangco, hindi layong palitan ng panukala ang kapangyarihan ng Ombudsman o Department of Justice (DOJ), kundi makatulong sa agarang pagsasampa ng kaso kapag may sapat na ebidensyang hawak.

Sumang-ayon din sina Rep. Eli San Fernando at Rep. Leila de Lima, na kapwa naniniwalang kritikal ang pagbibigay ng mas malawak na kapangyarihan sa ICI upang maging mas independent at epektibo ang komisyon sa pagtutok sa mga kaso ng katiwalian.

“Kulang pa talaga ng ipin, ng powers ang ICI, I would say although I cannot speak on their behalf but they really need help in terms of more power that’s why kailangan talaga maipasa itong bills na ito,” ani De Lima.

Dagdag ni De Lima, bukod sa pagpapalakas ng ICI, dapat maibalik ang regular lifestyle check sa mga opisyal ng pamahalaan tulad ng dating ipinatupad ng Ombudsman. (Ulat mula kay Earl Tobias) –VC