
Sa pagdinig ng House Basic Education Committee ngayong araw, Nobyembre 17, tinalakay ang panukalang National Student Allowance o ang House Bill No. 27 na naglalayong magbigay ng P1,000 buwanang cash aid sa lahat ng estudyante sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bansa.
Sumang-ayon naman ang ilang eksperto sa konsepto ng ayuda para mabawasan ang gastusin ng mga mag-aaral, ngunit binigyang-diin na dapat isaalang-alang ang malaking pondo na kakailanganin, kung saan tinatayang aabot mula P19 bilyon hanggang P270 bilyon o P304 bilyon kada taon para matustusan ang higit 30 milyong estudyante sa bansa.
Iminungkahi naman ng Department of Education (DepEd) ang pagtatakda ng criteria upang matiyak na mapupunta sa mga nangangailangan at maiwasang madoble sa iba pang financial assistance programs.
Giit naman ni Batangas Rep. Leandro Leviste, may akda ng panukala, na baka maapektuhan ang mabilis at pantay na pamamahagi kung lalagyan ng karagdagang requirements. (Ulat mula kay Earl Tobias) –VC











