IBCTV13
www.ibctv13.com

Panukalang P8-B pondo para sa NTF-ELCAC, diretsong mapupunta sa mga barangay –DILG

Hecyl Brojan
72
Views

[post_view_count]

Photo from Department of the Interior and Local Government (DILG) and National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Dinepensahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang panukalang P8.08 bilyong pondo para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa 2026.

Ayon sa DILG, direktang ilalaan ang pondo sa mga barangay na opisyal nang malaya sa impluwensya ng mga rebelde.

Mas mataas ito ng 314% mula sa P1.95 bilyon na inaprubahan ngayong taon matapos mabawasan nang malaki sa mga nakalipas na alokasyon.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, tig-P10 milyon ang matatanggap ng bawat cleared barangay para sa mga proyektong kanilang napagkasunduan sa pamamagitan ng konsultasyon sa komunidad.

“It is a reward for their performance and their cooperation [to] eliminate the insurgencies in their barangays. It goes straight to them and not to the other layers of government,” ani Remulla.

Dagdag naman ni DILG Undersecretary Marlo Iringan, nasa 780 barangay ang makikinabang sa pondong inilaan para sa 2025, at tiniyak na may safeguards mula sa Department of Budget and Management (DBM) at civil society organizations (CSOs) upang masubaybayan ang implementasyon ng mga proyekto. –VC