IBCTV13
www.ibctv13.com

Parusa sa magkukubli ng mga dokumentong may kinalaman sa kaban ng bayan, isinusulong sa Senado

Hecyl Brojan
229
Views

[post_view_count]

The Committee on Science and Technology resumed its public hearing today, Tuesday, November 4, 2025, on the proposed Philippine National Budget Blockchain Act, a pioneering legislative measure that aims to institutionalize transparency and accountability in public finance through blockchain technology. (Photo from SOP)

Inihain ni Senador Bam Aquino ang Philippine National Budget Blockchain Act o ‘CADENA Act’ kung saan ipinapanukala ang pagpapakulong at pagmumulta ng milyon-milyon laban sa mga opisyal ng gobyerno na magtatago o hindi maglalabas ng impormasyong may kinalaman sa pondo ng taumbayan.

Ayon kay Aquino, layon ng panukala na gawing awtomatikong bukas sa publiko ang lahat ng transaksyon ng gobyerno, kabilang ang mga kontrata, proyekto, at bill materials ng hindi na kailangang humingi pa ng kopya sa mga ahensya tulad ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

“Naka-kadena ang budget ng taumbayan, naka-lock, hindi madaling magamit ng basta-basta,” pahayag ni Aquino.

Batay sa Section 16 ng CADENA Act, magiging krimen ang hindi pag-upload ng public budget data sa loob ng 30 araw ng walang sapat na dahilan, pati na ang pagpapakalat ng maling impormasyon o sinadyang pagtatago at pagsira ng dokumentong dapat ay bukas sa publiko.

Ang mga lalabag ay maaaring makulong ng anim na taon at isang araw hanggang 15 taon, at pagmultahin ng hanggang P3 milyon.

Target maipatupad ni Aquino ang CADENA Act pagsapit ng 2026, upang tuluyang wakasan ang katiwalian at masiguro ang isang malinis, bukas, at mapagkakatiwalaang pamahalaan.

“Ang goal po natin is that by 2026, the budget and all of the other government transactions, especially the transactions kung saan natago yung trilyong piso na ninakaw sa atin, ay mabubulatlat na sa taong bayan,” saad ni Aquino. (Ulat mula kay Jaybee Santiago) –VC