IBCTV13
www.ibctv13.com

Pasok sa mga paaralan, opisina sa Maynila at Pasay City, suspendido mula Oct. 14-15

Ivy Padilla
737
Views

[post_view_count]

Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga paaralan pati ang trabaho sa mga government office sa Maynila at Pasay City sa darating na Oktubre 14-15, alinsunod sa inilabas na Memorandum Circular No. ng Malacañang.

Ito ay upang bigyang-daan ang pagbubukas ng 10th session ng Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) sa pangunguna ng bansa at ng United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNDRR) na gaganapin sa Philippine International Convention Center (PICC).

Ang nasabing conference ay may temang “Surge to 2030: Enhancing ambition in Asia-Pacific to accelerate disaster risk reduction” na isang oportunidad upang matalakay ang risk reduction efforts, gayundin ang mga innovative solutions para mabawasan ang banta ng sakuna lalo na sa mga disaster-prone region.

Inaasahang dadagsain ng maraming makikilahok sa APMCDRR ang dalawang nabanggit na lungsod.

Gayunpaman, hindi naman kasali sa suspensyon ang mga ahensya na nasa linya ng health service, preparedness/response to disasters, at iba pang kinakailangan ng serbisyo.

Nag-anunsyo na rin si Senate Secretary Renato Bantug Jr. na may pasok pa rin ang ilang mga kawani ng Senado sa naturang mga petsa para naman sa mga isasagawa nitong pagdinig.