IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, binati ang bagong Presidente, Bise Presidente ng Indonesia

Ivy Padilla
299
Views

[post_view_count]

Nagpaabot ng mainit na pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kina Indonesian President Prabowo Subianto at Vice President Gibran Rakabuming Raka kasunod ng kanilang inagurasyon bilang bagong talagang opisyal ng nasabing bansa ngayong Linggo, Oktubre 20. 

Personal na sinaksihan nina Pangulong Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang espesyal na okasyon bilang tugon sa imbitasyon ni former Indonesian President Joko Widodo. 

Sa kanyang mensahe, kinilala ng Pangulo ang Indonesia bilang isa sa mga ‘long standing partners’ at pinakamalapit na kaibigan ng bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) region. 

Nakatakdang ipagdiwang ng Pilipinas-Indonesia ang ika-75 taong anibersaryo ng diplomatikong relasyon sa darating na Nobyembre.

“I reaffirm our nation’s desire to further strengthen our bilateral ties with Indonesia on this momentous occasion and in lieu of our diplomatic relations’ 75th anniversary in November,” saad ng Pangulo. 

Matatandaan nito lamang Setyembre nang bumisita si President Prabowo sa bansa. 

 

Related Articles

National

Divine Paguntalan

650
Views

National

138
Views

National

Alyssa Luciano

43
Views