IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, dumating na sa Brunei Darussalam para sa kanyang 2-day state visit

Krizel Insigne
74
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. commences his two-day State Visit to Brunei Darussalam as he arrives in the nation’s capital of Bandar Seri Begawan at 10:01 AM on May 28, 2024. (RTVM/Screengrab)

Nasa bansang Brunei ngayon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa dalawang araw na state visit.

Sa imbitasyon ni Brunei Darussalam Sultan Haji Hassanal Bolkiah Mu’izzaddin Waddaulah, umalis ang Pangulo kanina kasama si First Lady Liza Marcos para pa-igtingin pa ang apat na pung taong relasyon ng dalawang bansa.

“Brunei and the Philippines have enjoyed historically warm relations based on mutual respect and trust and confidence. Brunei has continuously been a reliable partner of the Philippines,” wika ng Pangulo sa kanyang departure speech.

Kabilang sa mga inaasahang kasunduan na lalagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Brunei ay ang kooperasyon sa isa’t isa partikular sa depensa, turismo at agrikultura.

Nakatakda ring bisitahin ng Pangulo ang Filipino community sa Brunei, kung saan ngayon pa lamang ay ikinatutuwa na ng mga Pilipino roon.
“Sana po itong pag bisita niyang ito ay magbigay sa atin ng hope sa ating mga pilipino at sana po it strengthen our ties with the Brunei and also acknowledges yung mga contribution ng mga Filipino community here na nandito po sa Brunei,” mensahe ni Filipino Association Brunei President Maria Luisa Ramos Wong.

Matapos ang kanyang state visit, didiretso naman ang punong ehekutibo sa Singapore para dumalo sa Shangri-la Dialogue 2024 na tatalakay sa ilang mahahalagang usapin kagaya ng mga isyu pagdating sa depensa.

“My visit to Singapore is part of the series of high-level exchanges between the Philippines and singapore.” jump to “this is also very useful as they have just changed the leadership,” saad ng Pangulo.

Nangako ang Pangulo na sa kanyang pagbabalik ay bitbit nito ang magagandang balita na papakinabangan ng mga Pilipino. -VC

Related Articles