IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, First Lady, dinala ang ‘LAB for ALL’ caravan sa Pasig City

Ivy Padilla
503
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. and First Lady Louise Araneta Marcos brought the ‘LAB for ALL’ caravan to Pasig City on Thursday, October 3. (Screengrab from RTVM)

Sa kauna-unahang pagkakataon, pinagunahan nang magkasama nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang pag-arangkada ng “LAB for ALL” caravan sa Pasig City ngayong Huwebes, Oktubre 3.

Tinatayang nasa 1,500 benepisyaryo sa lungsod ang nahandugan ng libreng serbisyong medikal at nakinabang sa iba’t ibang serbisyo ng gobyerno.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Pangulong Marcos Jr. ang asawa at Unang Ginang para sa kanyang proyekto na naging tulay para tugunan ang problema sa healthcare system, partikular na sa 7,063 Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs) sa bansa.

Aniya, isang malaking hamon sa mga nakatira sa malalayo at liblib na lugar ang pagpunta sa clinic, health center, o ospital kaya magandang inisyatibo ang paglalapit ng serbisyong medikal para sa kanila.

“Sinisiguro namin na marami pang mga komunidad sa bawat siyudad at probinsya ang mabibista ng LAB for ALL. Kung saan mayroong Pilipinong nangangailangan, pagsusumikapan natin na ang inyong pamahalaan ay maabutan ng serbisyong ito,” pangako ng Pangulo.

Ang LAB For ALL ay ‘priority project’ ni First Lady Liza na naglalapit sa taumbayan ng libreng laboratory at medical services.

Sa ngayon, nasa 35 lugar na ang nabisita ng LAB for ALL mula nang magsimula noong Mayo 2023. -VC

Related Articles