
Handa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isumite ang kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) sa tamang awtoridad basta’t ito ay isasagawa alinsunod sa mga itinakdang patakaran ng Office of the Ombudsman, ayon kay PCO Undersecretary Claire Castro
Sa press briefing sa Kuala Lumpur, Malaysia, sinabi ni Castro na malinaw ang paninindigan ng Pangulo na susunod ito sa umiiral na mga alintuntunin sa pagpapalabas ng SALN.
“At mayroon naman po na tayong rules or procedure na inilahad ang Ombudsman at sinabi din naman dito na lahat ng request for SALN ay pagbibigyan pero may mga certain guidelines na ibinigay ang Ombudsman. So, ang ehekutibo ay tutugon dito,” ani Castro.
Dagdag pa nito, nagkasundo rin ang mga opisyal ng gabinete sa isang informal meeting na kumilos alinsunod sa mga panuntunan ng Ombudsman, habang iginiit naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi dapat gamitin ang SALN bilang sandata sa pulitika o paninira sa mga opisyal ng gobyerno. –AL











