Muling hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng mga Pilipino na suportahan ang buong sektor ng agrikultura sa Pilipinas upang matulungan ang mga magsasaka na mapabuti ang kanilang pamumuhay.
Sa kanyang pagbisita sa Pampanga para sa pamamahagi nito ng Certificates of Land Ownership Award (CLOA) and Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROM) ngayong Huwebes, tiniyak ni Pangulong Marcos Jr. na laging nakasuporta ang pamahalaan at ang buong bansa para sa mga magsasaka.
“Nawa’y magsilbing inspirasyon din ang aming handog ngayong araw para sa panibagong yugto sa inyong mga buhay, kung saan hindi lamang kayo at ang inyong pamilya ang aasenso—maging ang buong bansa ay kasama ninyo sa inyong tagumpay,” mensahe ng Pangulo.
Nasa 30 CLOAs ang ipinagkaloob ng Pangulo katuwang ang Department of Agrarian Reform (DAR) habang 2,939 naman ang COCROM para sa agrarian reform beneficiaries (ARBs).
Kasabay nito, ‘condoned’ na rin ang kabuuang P206.38 milyong halaga ng utang ng mga magsasaka sa probinsya — kabilang na rito ang amortization, interest at iba pang surcharges. – AL