IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, inatasan ang DOTr na ayusin ang mga isyu sa LRT-1

Veronica Corral
67
Views

[post_view_count]

Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez lashed out after discovering the poor condition of key facilities at Baclaran Station on LRT Line 1 during an inspection on November 4, 2025. (Screengrabs from DOTr)

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Transportation (DOTr) na tugunan ang mga isyung natukoy sa Light Rail Transit Authority – Line 1 (LRT-1) matapos ang naging pag-inspeksyon ni Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez.

Ayon sa Palasyo, napuna ni Lopez ang ilang hindi maayos na pasilidad sa mga istasyon ng LRT-1.

Agad namang nakipag-ugnayan ang DOTr sa LRTA at sa pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) upang talakayin ang mga gagawing hakbang.

Iniutos din ng Pangulo na siguruhin ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga komyuter habang pinagpapasa ng ulat ang LRTA sa loob ng isang linggo tungkol sa mga kinakailangang kumpunihin at pagbutihing mga serbisyo.

“Within this week, the LRTA should submit a report—and the mandate of our President is that the commuters in the LRT should be protected,” pahayag ni Castro sa isang press briefing ngayong Huwebes, Nobyembre 6.

Kaugnay naman ng umanong isyu ng pamamahiya ni Lopez sa isang empleyado ng LRT-1, nilinaw ng Palasyo na wala pang naging pag-uusap ang Pangulo at kalihim. (Ulat mula kay Eugene Fernandez)

Related Articles