IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, inatasan ang lahat ng ahensya ng gobyerno na babaan ang halaga ng mga proyekto para maiwasan ang korapsyon

Hecyl Brojan
105
Views

[post_view_count]

During President Ferdinand R. Marcos Jr.’s departure statement for the 32nd APEC Economic Leader’s Meeting (AELM) in Gyeongju, Republic of Korea (ROK). (Photo from PCO)

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lahat ng ahensya ng gobyerno, hindi lamang ang Department of Public Works and Highways (DPWH), na bawasan ang halaga ng mga proyekto upang maiwasan ang labis na paggastos at mapigilan ang korapsyon.

Ayon sa Pangulo, layunin ng hakbang na ito na ibaba ang halaga ng mga proyekto sa imprastraktura tulad ng mga farm-to-market roads, irigasyon, silid-aralan, at ospital para sa 2026, at gamitin ang matitipid na pondo sa mga socio-economic programs.

Binigyang-diin niya na ang gobyerno ay naglilinis ng burukrasya upang matiyak ang transparency at integridad sa paggastos ng pondo ng bayan.

Kasunod ito ng direktiba ng Pangulo sa DPWH na bawasan ng hanggang 50% ang presyo ng construction materials, na magreresulta sa tinatayang P30 hanggang P45 bilyong pondong matitipid.

Ang matitipid na halaga ay ilalaan sa mga sektor ng kalusugan, edukasyon, at pagkain.

Giit ng Pangulo, hindi mababawasan ang kalidad ng mga proyekto, kundi mawawala ang korapsyon.

“And let me be clear: The quality of what we build will not be compromised. The only thing weakened will be corruption. This is the accountability our citizens deserve,” aniya.

Dagdag pa niya, ipatutupad din ang parehong sistema ng presyuhan sa mga ahensyang gaya ng Department of Education (DepEd), Department of Agriculture (DA), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Health (DOH), Department of Transportation (DOTr), at National Irrigation Administration (NIA) upang matiyak na bawat pisong pondo ay magagamit nang tama para sa kapakinabangan ng mamamayan. –VC