
Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Indian Prime Minister Narendra Modi na palakasin ang kooperasyon ng Pilipinas at India, partikular sa usapin ng depensa at ekonomiya sa ilalim ng bagong Philippines–India Strategic Partnership.
“We agreed to continue leveling up our collaboration on defense and security,” pagbabahagi ni Pangulong Marcos Jr. sa isang joint press conference matapos ang bilateral talks sa Hyderabad House sa New Delhi.
Bukod dito, nangako ang mga lider na palalawakin pa ang bilateral trade sa pagitan ng dalawang bansa na umabot sa USD3.3 billion noong nakaraang taon.
“To this end, we have decided to expedite the work that we are doing to forge a bilateral preferential trade agreement. We [are looking] at leveraging mutual opportunities to boost two-way investment,” saad ng Pangulo.
Kumpiyansa ang lider na malaki ang maitutulong ng umuunlad na ‘innovative private enterprises’ ng bansa sa pagkamit ng inaasam na pag-unlad.
Binanggit din ng Pangulo na magagamit na ng mga Indian tourist ang visa-free entry sa Pilipinas, gayundin ang mga direct flight sa pagitan ng New Delhi at Manila. – AL