Inanyayahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Thailand Prime Minister Paetongtarn Shinawatra na bumisita sa Pilipinas.
Ang imbitasyon ay ipinaabot ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo sa isang bilateral meeting kasama si Thai Foreign Minister Maris Sangiampongsa sa Bangkok nitong Biyernes, Oktubre 18.
“[I] reiterate President Marcos’ invitation to the Thai Prime Minister Paetongtarn Shinawatra to visit the Philippines,” saad ni Sec. Manalo
Ayon kay Manalo, naging matagumpay ang kanilang pagpupulong ni Foreign Minister Maris na bahagi ng 6th Philippine-Thailand Joint Commission for Bilateral Cooperation (JCBC).
Tinalakay ng dalawang opisyal ang higit na pagpapalakas sa kooperasyon ng Pilipinas-Thailand.
“I look forward to more opportunities to exchange views with him on how we can strengthen and elevate our bilateral relationship, as well as our cooperation in addressing various regional and international challenges,” saad ni Manalo.
Una nang nagkita sina Pangulong Marcos at Prime Minister Paetongtarn sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Meetings sa Laos kamakailan.