IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, ipinag-utos ang agarang pagbubukas ng Migrant Workers Office sa Cambodia

Hecyl Brojan
116
Views

[post_view_count]

On the first day of his State Visit, President Ferdinand R. Marcos Jr. personally expressed his heartfelt gratitude to Filipinos for their contributions to both the Philippines and Cambodia. (Photo from PCO)

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na magbukas ng Migrant Workers Office (MWO) sa Phnom Penh sa lalong madaling panahon, kasunod ng kanyang pagharap sa Filipino Community sa Cambodia sa unang araw ng kanyang state visit.

Ayon sa Pangulo, magsisilbing katuwang ng Embahada ng Pilipinas ang MWO sa pagbibigay ng direktang serbisyo para sa mga OFW, kabilang ang legal assistance, welfare aid, reintegration programs, at skills training.

“Higit sa lahat ay patuloy nating tatalakayin sa Cambodia ang pagpapatibay sa kaukulang proteksyon at kagalingan ng mga migranteng manggagawa,” ani Marcos.

Kinilala rin ng Pangulo ang malaking ambag ng mga Pilipino sa Cambodia, lalo na sa sektor ng edukasyon, kalusugan, negosyo, at malalaking imprastraktura gaya ng bagong international airport ng bansa.

Ito ang unang state visit ng isang Pangulong Pilipino sa Cambodia mula pa noong 2016. –VC