IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, ipinag-utos ang pag-recover ng Bicol region mula sa STS Kristine sa lalong madaling panahon

Divine Paguntalan
101
Views

[post_view_count]

President Ferdinand Marcos Jr. led the distribution of PAFF in Camarines Sur on November 6, 2024.

Pursigido si Pangulong Ferdinand Marcos sa pagpapaabot ng mga kinakailangang tulong sa Bicol Region upang mabilis na makabangon ang mga komunidad na nasalanta ng nagdaang Severe Tropical Storm Kristine.

Binigyang-diin ng Pangulo na hindi na bago ang pagtama ng bagyo sa Pilipinas at mas lumalakas pa ito dahil sa climate change kaya mahalagang mabigyan ng agarang tulong ang mga apektadong pamilya para mabawi ang kanilang mga nasirang tahanan at kabuhayan.

“Talaga pong nagpupursige tayo na maibalik sa normal ang kondisyon, sa lalong madaling panahon, ang mga nasirang tahanan, imprastraktura, at kabuhayan nitong bagyo,” pagtitiyak ni Pangulong Marcos Jr.

Ngayong Miyerkules, pinangunahan mismo ni Pangulong Marcos Jr. ang paghahatid ng Presidential assistance na nagkakahalaga ng tig-P10,000 sa 5,000 magsasaka sa 15 munisipalidad sa Camarines Sur.

Bukod sa pagbibigay ng tulong ay hinimok din niya ang muling pag-aaral sa mga proyektong posibleng magamit bilang solusyon sa pagbaha gaya na lamang ng Bicol River Basin Development Program.

“Nagbigay ako ng direktiba sa bawat ahensya ng gobyerno na gumawa ng mga istratehiyang akma sa ating pang-malawakang matinding pagbaha at maiwasan na ang ganyang klaseng baha sa kabila ng inaasahang pagbabago ng panahon,” dagdag niya. – VC

Related Articles

National

49
Views

National

Ivy Padilla

48
Views