IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, ipinakilala ang pinakamalaking ‘solar, battery storage facility’ sa buong mundo

Divine Paguntalan
123
Views

[post_view_count]

President Ferdinand Marcos Jr. led the groundbreaking ceremony of the Meralco Terra Solar Project in Nueva Ecija on November 21, 2024. (Screengrab from RTVM)

Pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang groundbreaking ceremony ng Manila Electric Company (MERALCO) Terra (MTerra) Solar Project na maituturing na pinakamalaking integrated solar at battery storage facility sa buong mundo ngayong Huwebes, Nobyembre 21 sa Gapan City, Nueva Ecija.

Ang proyektong ito ay inaasahang makatutulong sa higit dalawang (2) milyong kabahayan kasabay ng pagbawas din ng carbon emission sa bansa.

“Once fully operational by 2027, this facility will deliver 3,500 megawatts peak of solar power to the Luzon grid, with 4,500 megawatt-hour battery energy storage,” pahayag ni Pangulong Marcos Jr.

“This project will energize over 2 million households and reduce carbon emissions by more than 4.3 million metric tons annually. To put that into perspective, it is equivalent to removing 3 million gasoline-powered cars from our roads—decisive action towards helping address global warming and climate change,” dagdag niya.

Bukod sa pagbibigay ng kuryente, ipinaliwanag din ng Pangulo na daan ito na makilala ang Pilipinas bilang isa sa mga nangungunang bansa sa renewable energy.

Inaasahan naman na ang proyektong ito ay magbubukas ng higit 10,000 oportunidad ng trabaho para sa mga Pilipino gayundin sa lokal na ekonomiya at buong bansa.

“We are working towards a steady and reliable power supply that will meet the demands of today and continuously fuel our ambitions for tomorrow. Projects like Terra Solar bring us closer to that vision,” saad ng Pangulo.

Umaasa si Pangulong Marcos Jr. na masusundan pa ang ganitong proyekto sa iba’t ibang panig ng bansa sa pagtutulungan ng mga concerned government agency at pribadong sektor. – AL

Related Articles