IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, liliban sa UNGA 80 para pagtuunan ng atensyon ang mga isyu sa bansa

Hecyl Brojan
85
Views

[post_view_count]

Photo from Presidential Communications Office (PCO)

Hindi makadadalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 80th Session ng United Nations General Assembly (UNGA 80) High Level Week sa New York City sa darating na Setyembre 22.

“The President has delegated his engagements at the UNGA to the Secretary of Foreign Affairs to allow him to focus on local issues,” pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez.

Itinalaga ng Pangulo si Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro upang pangunahan ang delegasyon ng Pilipinas.

Tatalakayin ni Lazaro sa pagtitipon ang paninindigan ng bansa sa multilateralismo at rules-based order, pati na ang mga isyu ng kapayapaan, klima, migrante, at sustainable development, at ang bid ng Pilipinas bilang non-permanent member ng UN Security Council para sa 2027–2028.

Nananatiling abala ngayon ang Pangulo sa mga gawaing lokal kasunod ng anunsyo niya sa kumpletong komposisyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na mag-iimbestiga kaugnay ng flood control projects, pagpapasinaya at pamamahagi ng mahigit 1,000 pabahay sa San Pablo City, Laguna, at ang energization ng Citicore Solar Batangas 1 Power Plants sa Tuy, Batangas.

Dinaluhan din ng Pangulo ang Tara, Basa! Tutoring Program National Culminating Activity sa University of Makati kahapon, na sumusuporta sa pagpapalakas ng edukasyon at pagbasa para sa kabataan. –VC

Related Articles