IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, lilipad ng Laos sa susunod na linggo para makiisa sa ASEAN Summit

Alyssa Luciano
711
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. and First Lady Liza Araneta-Marcos during a departure ceremony. (Photo by PCO)

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakatakdang magtungo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Vientiane, Lao People’s Democratic Republic (LPDR) para makiisa sa 44th at 45th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits mula Oktubre 8-11.

Sa isang press briefing, sinabi ni DFA Assistant Secretary Daniel Espiritu na mismong si Laos Prime Minister Sonexay Siphandone ang nag-imbita kay Pangulong Marcos Jr.

May temang “ASEAN enhancing Connectivity and Resilience”, makakasama ng Pangulo sa summit ang mga kapwa lider mula sa iba’t ibang bansa upang magkaroon ng consensus ukol sa mga napapanahong isyu at kalauna’y bubuo ng solusyon na makatutulong sa buong rehiyon.

Bahagi pa ng summit ang inaabangang paglagda ng Foreign Minister ng Luxembourg sa Treaty of Amity and Cooperation ng rehiyon.

Dagdag ni Espiritu, inaasahan na dadalo ang Pangulo sa 16 na ‘leaders-led engagements’ simula Oktubre 9-11 bilang bahagi ng kanyang mga gampanin para sa naturang summit.

“In these engagements, the Philippines will continue to uphold and promote Philippine interests in ASEAN,” saad ni Espiritu.

Personal din na kukumustahin ng Pangulo ang Filipino community sa Laos kung saan inaasahang ire-report niya ang magandang balita kaugnay sa kalagayan ng bansa.

Matatandaang dumalo ang Pangulo sa 43rd ASEAN Summit na ginanap sa Jakarta, Indonesia nitong Setyembre 2023.

Related Articles