Naniniwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isang hakbang patungo sa mas malagong logistics system sa Pilipinas ang pagbubukas ng Maersk Optimus Distribution Center sa Calamba, Laguna.
“With the grand opening of the Maersk Optimus Distribution Center, our logistics system will be a step closer to become a powerful force—bridging our islands, breathing life into our industries, our businesses, bringing together our people on a path towards sustained development,” paliwanag ng Pangulo.
Ibinida ng Pangulo na mula sa 139 na mga bansa ay nakamit ng Pilipinas ang 43rd place sa 2023 Logistics Performance Index (LPI) ng World Bank kung saan noong taong 2018 ay nasa 60th rank lamang.
“Our gains in customs efficiency, infrastructure quality, on-time deliveries made this rank improvement possible,” saad ni Pangulong Marcos Jr.
Tinatayang nagkakahalaga ng P4.8 billion ang Maersk Optimus Distribution Center na higit mapapakinabangan sa Region IV-A (CALABARZON) pati na sa Bicol Region.
Umaasa si Pangulong Marcos Jr. na ang pagbubukas ng distribution center sa Calamba ay magiging tulay upang mamuhunan ang iba pang mga katulad na negosyo sa logistics sector ng bansa. – VC