IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM: Mga bagong nilagdaang batas para sa PH maritime zones, magpapatatag sa soberanya ng bansa sa mga sakop na teritoryo

Alyssa Luciano
143
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. signed two (2) bills into law regarding the maritime zones of the Philippines. (Photo by PCO)

Nanindigan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na malaki ang maitutulong ng kababatas lamang na Philippine Maritime Zones Act at Philippine Archipelagic Sea Lanes Act para sa pagtukoy sa hangganan ng teritoryo ng bansa lalo na sa maritime zones nito.

Tugon ito ng Pangulo sa naging reaksyon ng China sa mga bagong batas ng Pilipinas kung saan ayon sa banyagang bansa ay makakapagpalala lamang umano sa usaping teritoryo, partikular na sa West Philippine Sea.

Hindi naman ito ikinagulat ng Pangulo at mas binigyang-diin na kinakailangang tukuyin ang teritoryo ng Pilipinas para mapatatag ang soberanya rito.

“Well, it’s not unexpected but we have to define closely … marami tayong sinasabi that we have to protect our sovereign rights and our sovereignty. So, it serves a purpose that we define closely what those boundaries are, and that’s what we are doing,” paliwanag ng Pangulo.

Sa ilalim ng Philippine Maritime Zones Act ay idinedeklara ang maritime zones ng Pilipinas na nakapaloob sa alituntunin na binuo ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), kasabay ng pagtukoy sa archipelagic sea lane ng bansa para bumuo ng ruta sa katubigan at himpapawid ng Pilipinas.

Samantala, ang Philippine Archipelagic Sea Lanes Act naman ay nagtalaga ng sistema para sa archipelagic sea lanes at air routes kung saan ang mga foreign vessel at aircraft ay kinakailangan sumunod sa ‘right of archipelagic sea lanes passage’. – VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

51
Views

National

Ivy Padilla

57
Views

National

Office of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

109
Views