Hindi titigil ang suporta ng pamahalaan para sa mga pamilya at komunidad na nasalanta ng mga nagdaang kalamidad sa bansa kahit matapos na ang kapaskuhan ayon mismo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa Pangulo, isa sa kanyang Christmas wish ay maranasan ng lahat ng Pilipino ang masaya at masaganang pagdiriwang ng Pasko kahit ang mga nabiktima ng sunud-sunod na bagyo at ng sunog kamakailan sa Tondo, Maynila.
“Lahat po ay ating ginagawa para patuloy po na matupad ‘yang aming panalangin na lahat ng Pilipino ay maramdaman ‘yung Christmas spirit,” pagtitiyak ni Pangulong Marcos Jr.
Matatandaang personal na bumisita ang Pangulo sa iba’t ibang lugar sa bansa upang maghatid ng iba’t ibang ayuda gaya ng family food packs (FFPs), pinansyal na ayuda at psychosocial intervention para sa mga nawalan ng mga gamit at tirahan bunsod ng pagbaha na dala ng mga bagyo.
Nananatiling nangunguna sa pagbibigay ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang ang local government units (LGUs). – VC