IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, muling pinagtibay ang pangakong wakasan ang kagutuman, kahirapan

Divine Paguntalan
128
Views

[post_view_count]

DSWD Secretary Rex Gatchalian presented the newly-signed Joint Memorandum Circular on EPAHP to President Ferdinand Marcos Jr. on October 28, 2024. (Photo by MPC)

Muling pinagtibay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangako na makamit ang zero hunger sa Pilipinas matapos saksihan ang paglagda sa Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP), isa sa mga banner program ng Task Force on Zero Hunger ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Lunes, Oktubre 28.

Sa pamamagitan nito, magtutulong-tulong ang lahat ng ahensya ng pamahalaan, local government units (LGUs) at international partners ng programa para gawing mas posible at mabilis ang pag-abot ng food and nutrition security at sustainable agriculture nang sa gayon ay wala nang mga komunidad sa bansa ang makaranas ng gutom.

“We gather to renew a promise: that no Filipino should go to bed hungry, and that no community will be overlooked in our fight against poverty,” bahagi ng mensahe ni Pangulong Marcos Jr.

Kaugnay nito, magtatatag ng isang 14-member EPAHP Steering Committee na pangungunahan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian para masiguro na epektibo ang pagpapatupad ng mga hakbang ng proyekto.

“We have yet to achieve zero hunger. But your dedication to this mission assures me that we are all united in this effort, ready to build a better nation for all, especially for those who need it the most,” saad ng Pangulo.

Pinasalamatan din ni Pangulong Marcos Jr. ang lahat ng committed partners para sa pagsasakatuparan ng EPAHP.

Bukod naman sa layuning ‘walang gutom’, palalakasin din ng EPAHP ang farm productivity, pangingisda, koneksyon ng food producers sa mas malaking pamilihan at karagdagang kita para sa sektor ng agrikultura.

Nitong Lunes, Oktubre 28, ipinresinta mismo ni Sec. Gatchalian kay Pangulong Marcos Jr. ang newly-signed EPAHP-Joint Memorandum Circular sa Malacañang kung saan sa ilalim nito ay magtutulungan ang 34 partners mula sa national agencies at international organizations para wakasan ang kagutuman at unti-unting mabawasan ang kahirapan sa bansa. – VC

Related Articles

National

Office of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

85
Views

National

Divine Paguntalan

87
Views