IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, nagbabala vs hindi makatwirang taas-presyo sa mga produkto, serbisyo

129
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. during a media interview after leading the destruction of more than P9 billion worth of illegal drugs in Capas, Tarlac on Wednesday. (Photo by PCO)

Matapos matiyak ang matatag na pandaigdigang presyo ng langis kasunod ng ceasefire sa pagitan ng Iran at Israel, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga awtoridad na bantayan ang hindi makatwirang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing produkto at serbisyo sa bansa.

Giit ng Pangulo, hindi dapat tumaas ang presyo ng mga bilihin dahil hindi naman nagtaas ang presyo ng langis na ngayon ay nasa USD69 per barrel na lamang mula sa dating USD79 noong kasagsagan ng kaguluhan.

“Iyon lamang binabantayan natin ngayon, ‘yung price gouging. Dahil ang dami ko nang nakita nagtataas ng presyo, hindi naman tumaas ang presyo ng langis. So, iyon ang babantayan natin ngayon,” ani Pangulo.

Una nang tiniyak ng lider na walang malaking epekto sa ekonomiya ng Pilipinas ang nangyaring gulo sa pagitan ng dalawang bansa.

“So, so far, there is no effect. So, there is no significant effect on the economy,” saad ni Pangulong Marcos Jr.

Hinihikayat ang publiko na bisitahin ang official website ng Department of Trade and Industry (DTI) para makita ang suggested retail prices (SRP) sa mga pangunahing bilihin, kabilang na ang mga produktong de-lata, inuming tubig, gatas, at iba pa. – VC

Related Articles