Nagpaabot ng taos-pusong pagdamay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Pilipinong naapektuhan ng malawakan at mapaminsalang wildfires sa Southern California, USA.
Sa isang pahayag, sinabi ng punong ehekutibo na maraming Pilipino ang itinuturing nang tahanan ang nasabing bansa.
“On behalf of the Filipino people, I extend my deepest sympathies to all who have been affected by the devastating wildfires in Southern California, USA — a place that many of our kababayans call home,” saad ng Pangulo.
Hiling ng lider na mapuno ng lakas at pagkakaisa ang muling pagbangon ng komunidad.
Batay sa pinakahuling datos, nasa dalawang milyong mga Pilipino ang naninirahan sa Southern California.