IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, nagpasalamat sa mga taga suportang dumalaw sa puntod ng yumaong ama

Ivy Padilla
133
Views

[post_view_count]

Supporters of the Marcos Family attended the mass offered by President Ferdinand R. Marcos Jr. for his late father and former president Ferdinand E. Marcos Sr. at the Libingan ng mga Bayani in Taguig City today, November 1. (Photo by PCO)
Ipinaabot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng taga-suporta na nagtungo sa puntod ng kanyang yumaong ama at dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City kasabay ng All Saints’ Day.

“Nais ko lang pasalamatan kayong lahat na nakisama sa amin dito ngayon sa Undas para sa pag-alala ng aking minamahal na ama,” mensahe ng pasasalamat ng Pangulo.

Binigyang-diin ng punong ehekutibo na naging makabuluhan ang kanilang paggunita sa Undas ngayong taon dahil sa nag-uumapaw na pagmamahal at pag-alala ng mga tao sa namayapang lider.

Nagdaos ng misa ang Pangulo kasama ang ina at dating Unang Ginang Imelda Marcos kung saan nakasama nila ang mga taga suporta.

Dito ay nangako ang lider na ipagpapatuloy ang nasimulang trabaho ng ama na bigyan ng maganda at magaan na buhay ang bawat Pilipino. -VC