
Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay United Arab Emirates (UAE) President His Highness Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan para sa paggawad ng pardon sa 115 Filipino convicts bilang bahagi ng selebrasyon ng Ramadan at Eid-Al-Fitr.
“The UAE Ambassador in Manila has personally informed us that for this season’s Ramadan and Eid-al-Fitr, no less than 115 convicted Filipinos have been set free,” saad ng Pangulo.
“On behalf of the Philippine government, we extend our sincerest thanks to President Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan for this compassionate act,” dagdag pa niya.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr. na sumasalamin ito sa espesyal na pagkakaibigan ng dalawang bansa kung saan halos isang milyong mga Pilipino ang ginawa nang tahanan ang UAE.
Matatandaan na 143 Pilipino ang ginawaran ng pardon sa pagdiriwang ng Eid al-Adha noong 2024 at 220 Pilipino naman bilang bahagi ng selebrasyon ng kanilang 53rd National Day.
Nakipag-ugnayan ang Embahada ng UAE sa Manila sa Department of Foreign Affairs – Office of the Middle East and African Affairs (OMEAA) nitong Marso 28 para iparating ang listahan ng mga pinalayang Pilipino.