IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, nananatiling kumpiyansa kay Bonoan sa kabila ng mga anomalya sa flood control projects – Malacañang

Hecyl Brojan
114
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. was accompanied by DPWH Secretary Manuel Bonoan during the inspection of the collapsed Cabagan-Santa Maria Bridge in Isabela. (Photo from PCO)

Nanatiling buo ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa kabila ng mga ulat ng ‘ghost’ flood control projects sa ilang bahagi ng bansa, ayon sa Malacañang.

Sa press briefing ngayong araw, Agosto 27, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na wala pang nababanggit ang Pangulo tungkol sa posibleng aksyon laban kay Bonoan.

“Kung meron mang magiging aksyon patungkol kay Secretary Bonoan, hintayin lamang po natin. Pero as of the moment, nandiyan pa rin po ‘yung trust niya,” ani Castro.

Kaugnay naman sa napapabalitang pagbabalik ni DPWH Secretary Rogelio Singson bilang kapalit ni Bonoan, sinabi na Castro na wala pa siyang natatanggap na impormasyon.

Tiniyak din ni Castro na magpapatuloy ang pag-iinspeksyon ni Pangulong Marcos Jr. sa mga lugar na may iniulat na anomalya sa flood control projects at iimbestigahan ang mga iregularidad at maling paggamit ng pondo nito. –VC