IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, nangakong itutuloy ang trabaho ng ama na pagandahin ang buhay ng bawat Pilipino

Ivy Padilla
124
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. visited the tomb of his late father, former President Ferdinand E. Marcos Sr. at the Libingan ng mga Bayani in Taguig City today, November 1. (Photo by PCO)

Pinagtibay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang pangako na ipagpapatuloy ang nasimulang trabaho ng yumaong ama at dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. na pagandahin at pagbutihin ang pamumuhay ng mga ordinaryong Pilipino.

Sa kanyang pagdalaw sa puntod ng ama sa Libingan ng mga Bayani ngayong All Saints’ Day, binalikan ng Pangulo ang katapatan at dedikasyon ng dating lider na nasaksihan niya mismo noong bata pa siya.

“Ngayon na nakaupo ngayon ako bilang Pangulo, mas lalong naging mahalaga ang kanyang mga salita,” pagbibigay-diin ni Pangulong Marcos Jr.

Ayon sa Pangulo, hindi sapat ang katagang ‘rest in peace’ para sa namayapang ama.

“Para mag-rest in peace ang aking ama, kailangan ipagpatuloy natin ang trabahong sinimulan niya, ipagpatuloy natin ang pagpaganda ng Pilipinas, at ang pagmamahal sa Pilipino,” saad ng Pangulo.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga taong patuloy na sumusuporta sa kanilang pamilya.

“Kaya’t nasisiyahan po ako dahil nandito po kayo dahil kahit papaano ay mahalaga sa amin ang naalala ang aking ama, ang kanyang buhay. Hindi mo maiwasan na may kasamang lungkot na dala ‘yung pag-aalala na ‘yan,” mensahe ng Pangulo.

“Ngunit kapag iniisip mong mabuti, may katumbas – labis na katumbas na kasiyahan, na tuwa na magagandang pag-aalala na kahit papaano ay magdadala ng ngiti sa iyong mga labi. Iyan po ang naging experience ko sa aking ama,” dagdag nito. -VC