IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, nangakong tutungtong sa int’l market ang mga produktong Pinoy

Ivy Padilla
347
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. visited the Manila FAME trade show in Pasay City today, October 18. (Photo by PCO)

Determinado si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dalhin sa international market ang mga produkto ng micro, small and medium enterprises (MSMEs) at artisan communities sa Pilipinas.

Sa kanyang pagbisita sa Manila FAME 2024 sa Pasay City ngayong araw, Oktubre 18, tiniyak ng punong ehekutibo na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang makilala ang mga produktong Pinoy sa digital space.

“The government is able to put you now into not just the local space, but the digital space so that you are now working in the world market,” saad ng Pangulo.

“And we will do everything that we can so that the world will know even better how good Filipinos are. Iyong galing ng Pinoy makita ng buong mundo,” dagdag niya.

Ang Manila FAME ay isang nangungunang trade show na layuning ibida at ipagmalaki ang mga de-kalidad na “home, fashion, at lifestyle products” ng MSMEs at artisan communities.

Noong 2023, nag-ambag ang creative industry ng 7.1 percent sa gross domestic product (GDP) ng bansa, katumbas ng P1.72-trilyong halaga ng produkto at serbisyo. -VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

57
Views

National

Ivy Padilla

111
Views

National

Ivy Padilla

92
Views