IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, nilagdaan ang RA 12288 para sa Career Progression ng mga pampublikong guro

Hecyl Brojan
108
Views

[post_view_count]

File photo

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act (RA) 12288 na nagtatatag ng Career Progression System, isang competency-based promotion system, para sa mga pampublikong guro at school leader.

Layunin ng batas na tiyakin ang tuloy-tuloy na professional development at career growth ng mga guro sa elementarya at sekundarya sa pamamagitan ng promosyon na nakabase sa merit at kwalipikasyon.

Saklaw ng sistema ang mga posisyon mula Teacher I hanggang Master Teacher I, kung saan kinikilala ang karanasan sa pagtuturo bilang batayan ng promosyon alinsunod sa pamantayan ng Civil Service Commission (CSC) at Teacher Education Council (TEC).

Para sa implementasyon, inaatasan ang CSC, Department of Education (DepEd), Professional Regulation Commission (PRC), at TEC na magtakda ng pamantayan at guidelines para sa assessment at point system ng promosyon.

Sa ilalim ng batas, inaatasan din ang Department of Budget and Management (DBM) na lumikha ng mga bagong posisyon gaya ng Teacher IV hanggang VII, Master Teacher V hanggang VI, at School Principal V upang mapalawak ang oportunidad sa promosyon.

Kailangang ilabas ng DepEd, CSC, PRC, at DBM, sa konsultasyon ng TEC at iba pang education stakeholders, ang implementing rules and regulations (IRR) sa loob ng 90 araw mula sa pagiging epektibo ng batas.

Ang IRR ay magkakabisa 30 araw matapos mailathala sa pahayagan ng pangkalahatang sirkulasyon. –VC