IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM: P50-B na expansion ng Samsung sa bansa, magbubukas ng 3,000 trabaho para sa Pilipino

Veronica Corral
136
Views

[post_view_count]

During a top-level meeting with South Korean conglomerate Samsung Electro-Mechanics Co., Ltd. (SEMCO), President Ferdinand R. Marcos Jr. witnessed the signing of a Supplemental Agreement between the DTI’s Philippine Economic Zone Authority (PEZA) and Samsung Electro-Mechanics Philippines Corporation (SEMPHIL). (Photo from PCO)

Magandang balita ang dala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa kanyang pag-uwi matapos dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit kasunod ng nakuhang bagong investment ng South Korean firm na Samsung Electronics Co., Ltd. sa Pilipinas.

Sa isang press conference, inanunsyo ng Pangulo na maglalaan ang Korean tech giant ng mahigit P50 billion para sa pagpapalawak ng operasyon nito sa bansa na inaasahang lilikha ng 3,000 bagong trabaho para sa mga Pilipino.

“They made a commitment of a little over 50 billion pesos to expand. That translates into 3,000 new jobs,” pahayag ng Pangulo.

Sa kasalukuyan, nasa 8,000 ang manggagawang Pilipino na empleyado ng Samsung sa high-tech manufacturing plant nito sa bansa. Sa ilalim ng planong expansion, mas marami pang oportunidad ang bubuksan ng naturang kumpanya.

Sinabi pa ng Pangulo na nakatulong dito ang bagong CREATE More (Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy) Act na nagbibigay ng tax incentives at exemptions sa mga pamumuhunan na lalagpas sa P50 billion.

“Because within the new CREATE More Act, there is a threshold… they are qualified to be extended incentives and tax exemption,” wika ng Pangulo.

Bahagi rin ng kasunduan ang partnership ng Samsung sa ilang unibersidad sa Pilipinas para sa training at research and development na layong mas mapalakas ang kakayahan ng mga lokal na manggagawa sa teknolohiya.

Muli namang binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr. ang kahalagahan ng malawakang kooperasyon sa pagitan ng mga bansa o ang tinatawag na multilateralism matapos ang APEC Economic Leaders’ meeting.

Aniya, hindi na dapat muling maulit ang mga sitwasyon tulad ng pandemya na halos nahinto ang suplay ng produkto sa mga bansa, kaya’t dapat palawakin ng Pilipinas ang mga kaibigan at kasosyo sa negosyo.

“Kailangan marami tayong kaibigan. Kailangan marami tayong kanegosyo. Kapag magkaroon ulit ng kagaya ng COVID, wala tayong makuha. Kaya pagandahin natin ang production natin,” saad ng Pangulo.

Dagdag niya, patuloy na tumitibay ang kumpiyansa ng dayuhan sa pamahalaan at ekonomiya ng Pilipinas, matapos ipakita na may konkretong hakbang laban sa korapsyon at mas transparent na pamamahala. (Ulat mula kay Eugene Fernandez)

Related Articles