IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM: Pagsasanay sa manggagawang Pilipino, susi sa mas maunlad na ekonomiya

Hecyl Brojan
67
Views

[post_view_count]

Photo from Presidential Communications Office (PCO).

Itinuturing ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pinakamahalagang “asset” ng bansa ang mga manggagawang Pilipino kasabay ng pagtutok ng administrasyon sa pagsasanay at pagpapalakas sa kanilang kakayahan upang mapaunlad ang ekonomiya.

Sa BBM Podcast Episode 3 na ipinalabas nitong Miyerkules, iginiit ng Pangulo na ang pamumuhunan sa workforce ng Pilipinas ay nagbibigay daan sa mas marami oportunidad at ‘competitive positions’ sa trabaho para sa mga Pilipino sa lokal at pandaigdigang merkado.

“Ako, pinakamalaking asset natin ‘yung Pilipino, ‘yung manggagawang Pilipino…. ‘Yung utang na ‘yun, ginagamit pang-invest para palakihin ang negosyo, para pagandahin.” paliwanag ng Pangulo.

Ipinunto rin niya na ang pagpapaunlad ng tao ay bahagi ng mas malawak na estratehiya sa pagharap sa pambansang utang, kung saan mahalaga rin ang malinis na pamamahala at tamang paggasta ng pondo.

“Basta’t ‘yung pera ng Pilipinas ay ginagamit sa tamang paraan… mayroon tayo,” dagdag pa nito.

Kinilala naman ng Palasyo ang tagumpay ng Bureau of Customs (BOC) sa pagkolekta ng P84.5 bilyon nitong Hulyo—mas mataas sa target—na patunay na gumagana ang mga reporma sa pananalapi. – AL

Related Articles

National

Ivy Padilla

74
Views

National

Divine Paguntalan

74
Views