IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, pinababalik sa DBM ang tinapyas na P400-M branding budget ng DOT

Divine Paguntalan
97
Views

[post_view_count]

President Ferdinand Marcos Jr. discussed the branding budget of the Department of Tourism. (Photo from PCO)

Ipinababalik ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Budget and Management (DBM) ang P400 milyong pondo para sa branding campaign ng Department of Tourism (DOT).

Layon ng Pangulo na mapanatili ang tagumpay ng Pilipinas sa pagsusulong ng matatag na pagkakakilanlan nito sa buong mundo.

Binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pagbuo ng momentum sa likod ng mga tagumpay ng Pilipino sa ibang bansa gaya na lamang nina Olympic Double Gold Medalist Carlos Yulo at The Voice U.S. Season 26 Champion Sofronio Vasquez.

“We have to maintain the momentum. There is already momentum. It doesn’t hurt that we have people like Sofronio winning The Voice and that we had Caloy Yulo winning the Olympics,” pagbibigay-diin ni Pangulong Marcos Jr.

“All of these things that our people are doing that is great for the Philippines. And then we’re still living off the wonderful performance of Filipino health workers during Covid. Hindi na makakalimutan ‘yon,” dagdag niya.

Sa pamamagitan ng branding budget na hiling ng DOT, mas mapapalakas hindi lamang ang turismo ng bansa kun’di pati ang reputasyon ng Pilipinas sa global stage bilang isang destinasyon na puno ng talento at kultura. – VC

Related Articles