IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, pinaiinspeksyon ang Kalayaan Island Group para sa planong daungan at paliparan

Kristel Isidro
140
Views

[post_view_count]

Kalayaan Group of Islands; President Ferdinand R. Marcos Jr. (Photo courtesy of PNA; PBBM/Facebook)

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na magsagawa ng inspeksyon sa Kalayaan Island Group (KIG) para sa planong pagtatayo ng daungan at paliparan dito upang higit na palakasin ang turismo at makalikha ng dagdag na hanapbuhay para sa mga residente.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, personal na inatasan ng Pangulo si DPWH Secretary Vince Dizon na bisitahin ang KIG upang tukuyin ang mga kinakailangang imprastraktura.

Ito ay kasabay ng pagbubukas ng Kalayaan Municipal Tourism Office, na nagaalok ng limitadong slot para sa siyam na araw at walong gabing tour package ngayong Pebrero.

Kabilang sa package ang round-trip transfer, accommodation, at araw-araw na pagkain, na bukas para sa mga lokal at dayuhang turista. Sila ay sasailalim sa masusing booking confirmation at mahigpit na pagsunod sa umiiral na panuntunan sa paglalakbay.

Pormal na binuksan ang KIG para sa turismo noong Marso 2023 sa pamamagitan ng Great Kalayaan Expedition, o isang linggong paglalayag na maglilibot sa mga turista sa mga pangunahing isla ng Palawan.

Tiniyak naman ng mga awtoridad na nananatiling kontrolado ang pagpasok sa KIG dahil sa mga konsiderasyong panseguridad at logistical, kaya’t pinapayuhan ang mga nagpaplanong bumisita na direktang makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para sa detalye ng pagbisita. – VC