Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang malaking tulong ng Asian Development Bank (ADB) sa pag-unlad ng Pilipinas, partikular noong panahon ng COVID-19 pandemic.
Sa pagbisita ni outgoing ADB President Masatsugu Asakawa para sa kanyang farewell call sa Malacañang, nagbigay-pugay ang Pangulo sa pagtatapos ng kanyang limang taon na paglilingkod sa naturang private banking company.
“I have to always thank you for the involvement of ADB. The partnership of ADB and the Philippines has certainly grown to a great deal,” mensahe ni Pangulong Marcos Jr.
“Of particular note, it was the support of ADB during the pandemic. That was critical. That was absolutely critical for our recovery. Without your help it would have been a much more difficult situation for us,” dagdag niya.
Kabilang sa mga pinagtutuunang pansin ng ADB sa bansa ay ang pagpapaunlad ng ekonomiya, kalusugan, imprastraktura, climate resilience, at human capital development.
Bilang pagkilala sa dedikasyon at kontribusyon ni Asakawa, ginawaran siya ng punong ehekutibo ng “Order of Sikatuna with the rank of Datu (Grand Cross) Gold Distinction.”
Ang parangal na ito ay ibinigay bilang pagkilala sa kanyang natatanging liderato at pagsisikap na palalimin ang relasyon ng Pilipinas at ADB. – AL