IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM, pinasalamatan si Escudero kasunod ng ‘political reconciliation’ kay Robredo

Ivy Padilla
272
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. shakes hands with former Vice President Leni Robredo and senatorial aspirant Bam Aquino before the inauguration of the Sorsogon Sports Arena in Sorsogon on October 17. (Photo by PCO)

Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa inisyatiba ni Senate President
Chiz Escudero na imbitahan si dating Vice President Leni Robredo, kapwa presidential candidate noong 2022 Elections, upang salubungin siya sa Sorsogon City nitong Huwebes.

“Senate President Chiz Escudero… has taken a very important step towards political reconciliation yesterday,” saad ni Pangulong Marcos Jr. sa ceremonial signing ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Law ngayong araw.

Muling nagkita at nagkamayan sina Pangulong Marcos Jr. at Robredo sa inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena (SSA) sa Sorsogon City.

Kasama rin sa sumalubong sa kanya si senatorial aspirant Bam Aquino.

“Well done. I’m so happy you did that,” saad ng Pangulo.

Inayunan naman ni House Speaker Martin Romualdez ang naging pahayag ng Pangulo kaugnay sa political reconciliation at sinabing matagal na itong posisyon ng administrasyon.

“We always must unite that the Filipinos should always be as one so that’s just a reiteration,” saad ni Romualdez.

Nagtapat sa vice presidential race sina Marcos at Robredo noong 2016 at muling nagkasabay sa pagtakbo para naman sa pagkapangulo noong 2022.

Sa darating na 2025 midterm elections, tatakbo si Robredo bilang alkalde ng Naga City sa Camarines Sur. -VC