IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM sa DHSUD: Paigtingin ang pagtuklas ng angkop na teknolohiya, disenyo para sa ‘climate-resilient’ na pabahay

Jerson Robles
157
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. led the ceremonial turnover of 8 Completed Yolanda Permanent Projects in Leyte, Samar, and Biliran today, January 17. (Photo from PCO)

Nagbigay ng direktiba si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at National Housing Authority (NHA) na paigtingin ang paggamit ng teknolohiya at pagtuklas ng mga angkop na disenyo para sa pagpapatayo ng mga pabahay na kayang harapin ang mga hamon ng nagbabagong klima.

Sa kanyang talumpati sa ceremonial turnover ng Yolanda Permanent Housing Project, binigyang-diin ng Pangulo ang dedikasyon ng gobyerno na ipatupad ang mga hakbang upang mabawasan ang epekto ng mga kalamidad sa rehiyon kabilang na ang itinatayong Leyte Tide Embankment Project.

Ngayong 50% nang tapos ang naturang flood mitigation project, pinabibilisan na ni Pangulong Marcos Jr. sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagkumpleto nito sa takdang panahon.

Inatasan din niya ang DPWH na suriing mabuti ang mga pondo at proyekto ng ahensya upang masigurong ang lahat ng inisyatiba ay natatapos sa tamang panahon.

Kaugnay nito, ibinahagi ni Pangulong Marcos Jr. ang kahalagahan ng pagiging host ng Pilipinas ng Loss and Damage Fund Board noong 2024 na nagbigay ng pagkakataon sa bansa para makakuha ng sapat na pondo para sa mahahalagang proyekto at programa.

Pinagtibay din ng Marcos Jr. administration ang Disaster Risk and Reduction Management (DRRM) upang mapabuti ang pagkalap ng impormasyon at pagtugon sa mga sakuna.

“Bilang pangunahing hakbang, nagtatayo tayo ng mga imprastruktura na magsisilbing proteksyon at sentro ng ating mga operasyon. Isa rito ang pagtatatag ng evacuation [centers] at Disaster Response Command Center na tatayong sentro ng ating paghahatid-tulong,” saad ni Pangulong Marcos Jr. – VC

Related Articles

National

Ivy Padilla

36
Views