IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM sa DICT: Gawing prayoridad ang CTP para mapabuti ang connectivity sa bansa

Divine Paguntalan
65
Views

[post_view_count]

President Ferdinand Marcos Jr. met with DICT Secretary Ivan John Uy to discuss the Common Tower Program on Tuesday, January 14. (Photo by PCO)

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na unahin ang pagpapatupad ng Common Tower Program (CTP).

Aniya, sa ganitong paraan ay mas mapapabuti at mapapabilis ang serbisyo ng pamahalaan para sa mga Pilipino.

“Focus on the Common Tower [Program] because we will be serving more people through that,” saad ni Pangulong Marcos Jr. sa DICT.

Layon ng CTP na magtayo ng karagdagang imprastraktura upang mapabuti ang internet connection sa buong bansa.

Sa pamamagitan nito, mas maraming lugar ang magkakaroon ng access sa online services ng gobyerno, edukasyon at negosyo.

Iniulat naman ni DICT Secretary Ivan John Uy na magdadala ng mas malawak at maaasahang serbisyo ang CTP kung saan makikinabang ang higit 404,600 direct beneficiaries at 2,023,000 na indirect beneficiaries.

Tiniyak din ni Uy na magpapatuloy ang operasyon ng 15,715 Free Wi-Fi access point sites na may pondong P6-bilyon.

Bukod dito, humiling ang ahensya ng P1.5-bilyon para sa karagdagang sites at iba pang inisyatiba, kabilang na ang pagpapalakas ng CTP.

Samantala, malaki naman ang nakitang pag-unlad sa digitalisasyon ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr., mula 250 government systems patungong 1,277. – VC

Related Articles

National

Divine Paguntalan

67
Views

National

Divine Paguntalan

97
Views