IBCTV13
www.ibctv13.com

PBBM sa DPWH, DENR: Baguhin ang flood control masterplan ng Pilipinas

Ivy Padilla
157
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. (Photo by PCO)

Muling nagbigay ng direktiba si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang concerned agencies kasunod ng malalang epekto ng mga nagdaang bagyo sa bansa dahil sa climate change.

Nais ng Pangulo na baguhin at pagbutihin ang Flood Control Masterplan ng Pilipinas upang makasabay ang bansa sa patuloy na paglakas ng mga bagyo na nagdudulot ng malawakang pagbaha.

“Ang sabi ko nga, ang bagyo ngayon iba na. May mga flood control tayo pero dahil sa mas madaming tubig na dulot ng pag-ulan, hindi na nakakayanan,” mensahe ng Pangulo sa distribusyon ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk and Families (PAFF) sa Oriental Mindoro ngayong Huwebes, Nobyembre 14.

Aabot sa P600-milyong halaga ang inilaan ng administrasyong Marcos Jr. para sa mga flood control project sa MIMAROPA kung saan nasa P214.08-milyong halaga ng proyekto sa ilang barangay sa Oriental Mindoro ang nakumpleto na.

Kabilang dito ang Panggalaan River sa Barangay San Nicolas; Bucayao River sa Barangay San Luis; at Mag-Asawang Tubig River sa Barangay San Carlos at Pinagsabangan II. – VC

Related Articles

National

Office of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

92
Views

National

Divine Paguntalan

92
Views